The Secret: Paano magiging $500 ang P500 mo?
- Russell Angeles
- Sep 6, 2016
- 4 min read

Tingnan mo maigi ang larawan sa itaas. Tingnan mo sa mata si Ninoy at imaginine mong nagpapalit ang kanyang mukha at nagiging mukha ni Will McKinley. Pagkatapos n'yan tingnan mo yung 500 na numero sa gawing kaliwa at isipin mo na nagiging $500 ang nakasulat jan. Ngayon, ipikit mo ang iyong mga mata, at maniwala na pagbilang mo ng sampu at pagdilat ng iyong mata ay $500 na ang iyong makikita.
Sige gawin mo na. Ipikit ang iyong mga mata.
10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2... 1...
NAGBAGO BA???
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HINDI!!! P500 pa din siya!
Una sa lahat, mukhang mahirap gawing $500 ang P500. Maliban na lang siguro kapag tumaya ka sa lotto at sinuwerte ka, malamang hindi lang $500 ang magiging katumbas ng P500 mo. Yun nga lang ang liit ng chance na manalo ka sa lotto, higit lalo kung katulad kita na hindi naman tumataya sa lotto.

Pangalawa, kapag may nag-offer sa'yo niyan, MATAKOT KA! Malamang lolokohin ka lang nun at balak lang tangayin yung P500 mo. Baka imbes na maging $500 yan, baka maging bato pa yan.

Pangatlo, siguro kung magaling kang negosyante, kaya mong palaguin yung maliit mong puhunan na P500 at palaguin ito hanggang maging $500.

Pero ang tanong, MAY P500 KA BA???
Malamang naman siguro meron.
Ang sunod na tanong, MAY ORAS KA BA PARA PAGHIRAPANG PALAGUIN YUNG P500 MO PARA MAGING $500???
D'yan madalas nagkakatalo.
Sunod na tanong, SAAN MO NAMAN ILALAGAY YUNG P500 MO PARA MAGING $500???
Yan ang mas mahirap na tanong.
And lastly, KAYA MO BANG PALAGUIN MAG-ISA YUNG P500 MO PARA MAGING $500?
May mga ilang tao siguro na kaya yang gawin. May ilan na maaring abutin ng swerte at kaya rin magawa yan. Pero sa karamihan sa atin, MUKHANG IMPOSIBLE YAN!!!
May isang kasabihan, "Ang hindi kayang gawin ng isa, kayang gawin pag SAMA-SAMA."
Ang isang pirasong tingting ay walang silbi kung hindi siya nakabundle sa mas maraming tingting.

Hindi mo ramdam ang sakit pag sinampal ka ng isang pirasong papel, pero kapag isang pad ng papel yan, masakit na yan.

Ganyan din ang prinsipyo na naisip ko pagdating sa pagpapalago ng pera.
Minsan may sinalihan akong programa online. Naglagay ako ng P500 at sabi ko susubukan kong palaguin yun hanggang madoble o matriple.
Tanungin n'yo kung nadoble ko???
Ang sagot??? HINDI!!!
Kumita naman ako. Makalipas ang dalawang buwan, yung P500 ko ay naging P600, o halos $12 lang. Malayo sa $500 kong sinasabi.
Kaya nagcompute ako. Para kumita ako ng $500 o halos P25,000, heto ang mga pwede kong gawin: 1. Mag-ipon o mangutang ng puhunan para magkaroon ako ng puhunan na P125,000. Kapag may ganyan akong puhunan, tutubo yan ng P25,000 sa kaparehong programa na sinubukan ko dati.
PERO AYOKO MANGUTANG. HINDI MAGANDA PARA SA NEGOSYO. Saka hindi na P500 ang puhunan jan, malaki na. 2. Ilagay ko na lang sa banko yung P500 ko, balang araw lalaki rin yun at magiging P25,000.
Well ito ang payo ko sa'yo, sige subukan mo, malamang senior citizen na tayo hindi pa lumalaki ang pera mo sa banko. Sa tubong less than 1% per annum, pagtanda mo wala nang value yung tinubo ng pera mo sa banko.
3. Mag-magic na lang. Hindi natin kaya yan....
SO PAANO NGA BA?
Nung isang buwan, may sinimulan akog strategy para sa bago kong sinisimulang negosyo. Katulad ng mga dati kong negosyo, posibleng maging P600 yung P500 mo sa negosyong ito. But this time, I made a different approach.
Since hindi ko kayang gawing $500 ang P500 ko ng mag-isa, naisip ko ang prinsipyo ng tingting. Kung di kaya ng isa, gawin ng sama-sama.
So nagsimula akong maghanap ng ibang tao na gusto rin subukang gawing $500 yung P500 nila.
Simpleng prinsipyo lang. Dahil wala naman ako daang libong pampuhunan, naghanap na lang ako ng ibang tao na maliit lang din ang puhunan at pinagsama-sama namin iyon.
Ang guess what, yung P500 ko, nung may sumama nang iba ay umabot na sa P50,000.
YES! Maraming tao ang gusto rin kumita katulad ko pero walang malaking puhunan, walang oras at hindi alam kung saan ilalagay ang kanilang pera.
Lucky for me, I have all the time dahil full-time online marketer ako and I have this great program na pag-aari rin ng isang kilalang leader sa online marketing industry.
So that is our approach. We pooled our resources together to fund 1 single account dito sa bago kong negosyo.
With the study that we made, and with the power of compounding na natutunan ko sa mga financial seminars na na-attendan ko, we saw that it is 'FEASIBLE' that after 1 year, yung bawat P500 namin, ay magiging $500 bawat isa.



Of course walang guarantee yan. Pero ano ba naman ang P500? Madali lang maubos yan pag nasa bulsa mo yan. E ano kung di maging $500 yan after 1 year? Hindi rin naman magiging P510 yan sa banko after a year. Baka magastos mo lang yan kung saan. At least may magandang pinaglagyan yung P500 mo di ba?
So ngayon, together with some of my friends, we are into this very promising business. As of this writing, our business is generating around $40 daily. Hindi namin binubulsa lahat yan. 90% n'yan ay ginagamit namin to compound our money. Yung 10% diretso sa bulsa namin.
Unti-unti, lalago yung P500 namin. Sabi nga slow and steady wins the race. If all our assumptions and computations are correct, our P500 will be $500 after a year.
Gusto mo rin ba'ng maki-ride? Tara na!!!
Comments